Delegado mula sa dalawang bansa binisita ang mga 4Ps beneficiaries

Binisita ng mga delegado mula sa Somalia at Laos ang mga benipisyaro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Nagtungo ang mga ito noong araw ng Huwebes sa bayan ng San Simon sa lalawigan ng Pampanga.

Read More:  Man shot dead in Cebu; romantic dispute eyed

Ayon sa Department of Social Welfare and Development Region 3, sa pagbisita ng mga delegado ay ipinakita ng kagawaran ang mga programa nito sa bansa.

Read More:  Unidentified woman found dead inside refrigerator in Rizal

Kabilang dito ang 4Ps, Sustainable Livelihood Program, at Listahanan para sa mga banyagang nagnanais i-replicate ang mga ito para sa kanilang social services sector.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo: DSWD Region 3