Umabot sa pitumput lima ang naging kaso ng dengue sa bayan ng Subic, Zambales sa loob lamang ng mahigit isang buwan mula nong Mayo.
Ito ay mas mataas na bilang ng dengue cases sa Subic kung ikukumpara sa mahigit isandaan para sa buong taon noong 2021.
Ayon kay Municipal Health Officer Dr. Nadjimin Ngilay, karamihan sa mga kaso ay mula sa mga sitio ng Bgy.Cawag na matatagpuan sa mga tabing dagat.
Dahil dito, inumpisahan na ang fogging o pagbomba ng usok na may halong kemikal sa lahat ng bahagi ng mga sitio lalo na sa mga posibleng pinangingitlogan ng lamok na may dalang dengue.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
