Bongbong Marcos, hindi umano maninirahan sa Malacañang – Sen. Imee Marcos

Inihayag ni Senator Imee Marcos na hindi umano maninirahan sa Malacañang si President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ayon kay Imee, bago pa man manalo ang kanyang kapatid na si Bongbong ay sinabi nito na hindi siya titira sa Palasyo.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Sinabihan naman umano niya ang susunod na pangulo na okay lang ito dahil wala naman itong ginawa kundi tumakas doon noong bata pa sila.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Samantala, kinumpirma ng senadora na dadalo ang buong pamilya nila sa inagurasyon ni BBM sa June 30 kabilang ang 92-year-old na nanay na si Imelda Marcos. (ARGIE ERGINA)