Inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magiging epektibo na ang minimum wage hikes ngayong buwan ng Hunyo.
Ayon sa DOLE, nakompleto na ang minimum wage orders series na inilabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPB) sa Eastern Visayas at Zamboanga Peninsula Region.

Matatandaang ipinag-utos ni DOLE Secretary Silvestre Bello III sa RTWPBs na i-review ang daily minimum wages sa National Capital Region (NCR).
Samantala, sa June 27 na magsisimula ang naturang taas-sahod sa Eastern Visayas habang sa June 25 naman sa Zamboanga Peninsula. (ARGIE ERGINA)