DSWD Bicol, patuloy ang pamamahagi ng tulong sa mga pamilyang apektado ng pag-aalburuto ng Mt. Bulusan sa Sorsogon

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol na umaabot na sa 484 na Family Food Packs at 121 na hygiene kits ang nabigyan na mga apektadong pamilya na nagsilikas sa kanilang tahanan dahil sa pagsabog ng Mt.Bulusan sa Sorsogon.

Read More:  Antique vlogger dies after alleged electric shock from videoke microphone

Ayon pa sa tanggapan, nasa mahigit 24K ang nakastandby o available na family food packs sa mga warehouse ng Legazpi, Catanduanes, Masbate at Sorsogon.

Aabot din sa P767, 190.00 ang nakastandby fund na pagkukuhanan ng ahensya para sa emergency quick response fund.

Read More:  Two Davao robbery suspects arrested at Iligan checkpoint

Sa huling report ng SWADT Sorsogon, kasalukuyan nang bumabalik sa kani-kanilang mga tahanan ang mga evacuees matapos magdeklara ng decampment sa probinsya.