DOH: Fully vaccinated seniors, di pa pwedeng makagala

Ibinasura ng Department of Health (DOH) ang mungkahing payagan ang mga senior citizens na may edad 66 patas, na makaalis sa kanilang bahay sa gitna ng COVID-19 pandemic, sa kabila na sila ay fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Sa ilalim ng kasalukuyang panuntunan, ang mga indibidwal na may edad 18 hanggang 65-taong gulang lang ang pinapayagang makaalis.

Read More:  Palace clarifies Marcos administration’s super El Niño response goes beyond buckets

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kailangan munang mabakunahan ang malaking bilang ng populasyon bago payagang makalabas sa kanilang mga bahay ang may edad 66 pataas.

Read More:  Marcos details government preparations for Undas travel surge

Dagdag ni Duque, kailangan rin ng mas maraming datos para patunayan na ang COVID-19 vaccines ay makakapagbigay ng immunity mula sa respiratory disease.

Sa hiwalay na pahayag, una nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang bakuna ay makakabawas lang sa severity ng infection at makakaiwas na ma-ospital. // MHEL PACIA