Inihayag ng Bureau of Immigration na ang mga foreign nationals na may travel documents na ibinigay ng gobyerno bago ang February 8 ngayong taon, ay hindi na papayagang makapasok sa Pilipinas, simula sa June 1.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, inabisuhan umano sila ng Department of Foreign Affairs na ang entry exemption documents ay may validity lang na 90-araw mula sa date of issuance.
Dagdag ni Morente, ang mga dayuhan na may hawak pa ng naturang mga dokumento, pero hindi pa nagagamit ay kailangang makapasok sa Pilipinas bago ang May 31.
Samantala, ang entry exemptions na inilabas ng National Task Force Against Covid-19 (NTF) kaugnay sa travel ban mula March 22 hanggang April 30, ay maari paring gamitin hanggang sa May 31. // MHEL PACIA