Higit 42,000 nakabenepisyo sa TUPAD ng DOLE Region 12 ngayong 2022

KORONADAL CITY- UMABOT na sa P 158, 805,481 ang na-irelease na pondo ng Department of Labor and Employment o DOLE Region 12 bilang sahod ng mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers o TUPAD.

Ito ang inihayag ni DOLE 12 information Officer Charles Bataga batay sa datos mula noong Enero hanggang Mayo 16 nitong taon.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Ayon kay Bataga na nakinabang dito ang 42,090 na mga informal sector workers sa Soccsksargen region at Maguindanao province.

Sa naturang bilang, 16, 035 ang taga South Cotabato; 11,523 sa Cotabato Province; 4,672 sa Sarangani; 3,665 sa General Santos City; 448 sa Sultan Kudarat; habang 5,747 naman sa Maguindanao.
Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga person’s with disability, mga kababaihan, senior citizens, marginalized workers, at mga former rebels.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Ang TUPAD ay isang community-based package ng assistance na nagbibigay ng emergency employment sa mga displaced workers, underemployed at seasonal workers.