Exemption sa bagong wage order, maaaring ipagkaloob sa mga establisemento


KORONADAL CITY- MAAARING mag-apply ng exemption ang mga establisemento at mga employers na walang kakayahan na magpatupad ng bagong wage order.

Ito ang inihayag ni Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB 12 Secretary Jessie Dela Cruz kaugnay sa nakatakdang pagpapatupad ng minimum wage increase sa mga trabahante sa Soccsksargen.

Ayon kay Dela Cruz na maaaring mag-apply ng exemption ang mga retail at service establishments na mayroong mga empleyado na hindi lalagpas sa 10 at mga establisemento na apektado ng kalamidad.
Ang deadline ng filing ng exemption sa minimum wage order ay itinakda sa Agosto 7.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Napag-alaman na magiging epektibo na sa June 9, 2022 ang P16 na unang tranche ng wage increase habang sa September 1 naman ang dagdag na P 16 sa ikalawang tranche.

Ibig sabihin nito, ang minimum wage sa region 12 ay magiging P 368 na sa non-agriculture sector at P 347 sa agriculture, retail at service sector.

Makikinabang sa P 32 na wage hike ang mga workers sa probinsya ng South Cotabato, North Cotabato, Sarangani, Sultan Kudarat at mga lungsod ng General Santos, Koronadal, Tacurong at Kidapawan.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ito ay inaasahan na makatutulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga trabahante sa gitna ng tumataas na presyo ng mga bilihin at produktong petrolyo.

Hinihikayat naman ng DOLE 12 ang mga empleyado na i-report sa kanilang tanggapan ang mga employers na hindi tatalima sa bagong wage order o di kaya ay tumawag sa 826-1237.