Tiniyak ni outgoing Sorsogon Governor and Senator-elect Chiz Escudero na sapat pa ang pondo para sa mga pangangailangan ng kanilang mga nasasakupang apektado ng pagsabog ng Bulkang Bulusan.
Sa pulong balitaan, sinabi ni Escudero na mayroon pang pondo ang lokal na pamahalaan sapagkat ito ang unang kalamidad na tumama sa Lalawigan ngayong taon.
Sa kasalukuyan aniya, wala pa ring balak ang Pamahalaang Panlalawigan na magdeklara ng state of calamity.
Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang damage-assessment ng mga disaster officers sa mga areas na apektado ng ashfall.
Pinayuhan din nito ang mga residente na alisin na ang mga naipong ashfall sa kani-kanilang mga bubungan dahil posible itong magdulot ng pagkasira ng mga bahay.
Sa ngayon aniya, walang dapat ikapahala ang publiko dahil alam na nila ang dapat gawin.
Handa na rin aniya ang mga LGUs ng Juban, Magallanes, Irosin, at Casiguran sapagkat expected nang dito babagsak ang mga abo mula sa Bulkan.
#