Mga hikers na umakyat sa bulkang bulusan, ligtas na nakababa – OCD

SORSOGON CITY – Kinumpirma ng Office of Civil Defense (OCD) Bicol na nasa ligtas na kalagayan ang mga turistang umakyat sa Bulkang Bulusan bago ang pag-alburuto nito.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Barcelona, ligtas na nakababa ang lahat ng 14 na hikers kabilang ang apat na tour guides ng mga ito.

Hindi pinangalanan ang mga nasabing turista pero ayon sa MDRRMO, galing ang mga ito sa NCR at Calabarzon.

Alas 11 ng tanghali nitong Sabado umano nang umakyat ang mga ito sa Bulkang Bulusan kasama ang apat na tour guides.

Dumaan ang grupo sa Barcelona trail mula sa bulkan kaya ligtas ang mga itong nakababa.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City
Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol