Mga tourist destinations sa Irosin, Sorsogon pansamantalang isinara dahil sa pag alburuto ng bulkang Bulusan

SORSOGON CITY – Pansamantalang ipinasara ng lokal na pamahalaan ng Irosin, Sorsogon ang mga tourist destinations sa kanilang lugar kasunod ng pagbuga ng abo ng Bulkang Bulusan.

Base sa Advisory No. 1 na inilabas ni Mayor Alfredo Cielo, ang pagsarado sa mga nasabing tourist sites ay bilang pagsiguro sa kaligtasan ng publiko.

Read More:  LTO-7 summons rider who spat on bus driver in Cebu

Epektibo ito simula araw ng Linggo, June 5, 2022 hanggang sa wala pang panibagong abisong inilalabas.

Kaugnay nito ay inalerto rin ang lahat ng unit ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) hanggang sa Barangay level.

Read More:  Coast Guard personnel killed, another wounded in Cotabato City shooting

Mababatid na kabilang ang bayan ng Irosin sa mga inabot ng ashfall matapos ang pagbuga ng abo ng Bulkang Bulusan kaninang umaga.