Ilang mga aktibidad ng DENR sa lalawigan tampok sa pagdiriwang ng Philippine Environment Month sa Hunyo

CAMARINES NORTE- Inilatag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang ilang mga aktibidad sa lalawigan ng Camarines Norte kaugnay sa pagdiriwang ng Philippine Environment Month sa Hunyo.

Ayon kay DENR- PENRO Marlon Francia kabilang sa mga gagawing aktibidad ay tree planting at road clean- up sa Bicol Natural Park (BNP) na mula sa Tuaca hanggang sa may bahagi ng Sooc sa Camarines Sur.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Sa Hunyo 8 ay magkakaroon ng tree planting sa umaga na dadaluhan ng iba’t- ibang ahensiya ng gobyerno at civic groups.

Sa Hunyo10  naman ay ang anniversary ng ahensiya kung saan magkakaroon ng family day celebration sa opisina ng DENR sa Daet.

Magkakaroon din ng Saringaya award sa Regional Office kung saan bibigyan ng parangal ang mga indibidwal, institusyon at Local Government Unit na nag excel at mayroong ipinatupad na mga innovation tungo sa ikakaganda ng ating kapaligiran.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Humingi naman ng suporta si Francia sa publiko para sa iba’t- ibang mga proyekto ng ahensiya.

Aniya ang mga proyekto at programa ay para sa lahat at hindi lang sa mismong ahensiya tungo sa pagkakaroon ng isang ligtas malusog at malinis na kapaligiran.