Kylie Padilla kinumpirmang nakikipag-date na ulit

Kinumpirma ni Kylie Padilla na nakikipag-date na ulit ito mahigit isang taon matapos ang break-up kay Aljur Abrenica.

Ayon kay Kylie sa tingin niya ay handa na siya para sa isang ‘blended family’ kung saan nasanay at pamilyar siya sa ganitong sistema.

Read More:  Pinoy content creators recognized at Inaugural TikTok Awards

Hindi naman binanggit ni Kylie kung sino ang lalaking malapit sa kanyang puso sa ngayon.

Read More:  Comedian Ate Gay dies at 55 after battle with cancer

Sa kabila nito nilinaw naman ng aktres na malayo pa sa ngayon kung ang pag-uusapan ay ang pagpapakasal niyang muli.

Inihayag naman ni Kylie na maayos ang kanilang ugnayan ng dating niyang asawang si Aljur.