PH vaccine inventory, dapat transparent! – ex NTF adviser

Umapela si dating National Task Force against COVID-19 adviser Dr. Tony Leachon sa gobyerno na mas maging transparent pagdating sa inventory ng mga bakuna lalo na ‘yung mga malapit nang mag-expire.

Ginawa ni Leachon ang panawagan matapos ang pagkumpirma ni NVOC chairperson Health Undersecretary Myrna Cabotaje na aabot sa dalawang milyong dose ng bakuna ang mag-eexpire sakaling hindi magamit hanggang sa katapusan ng Hunyo.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Ayon kay Leachon, sa oras na magkaroon ng transparency sa inventory ng mga bakuna, mas maiiwasan ang mga ganitong isnidente dahil mamo-monitor ang bilang ng mga aktibo o kailangan pang bakunahan sa bansa.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Dapat din aniyang malaman ang vaccination at booster rate sa bawat rehyon para malaman kung saang areas mas kinakailangang tutukan ang bakunahan.
#