CAMARINES NORTE- Pinamamadali na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga Local Government Unit na magpasa ng ordinansa na magre- require sa mga business establishment sa kanilang nasasakupan na mag- install ng Closed- Circuit Television (CCTV) camera.
Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Local Government Operation Officer VIII Jerwin Novio ng DILG Provincial Office na importane ang ordinansa dahil ito ang pagbabatayan ng implementasyon ng Memorandum Circular 2022- 060 ni Interior Secretary Eduardo Año.
Hindi na rin umano bago ang kautusang ito dahil noong 2014 ay mayroon na ring kahalintulad na circular na ipinalabas ang DILG pero limitado lang sa mga lungsod at capital towns.
Ngayon umano ay ipapatupad na sa lahat ng lungsod at bayan ang pagre- require sa mga business establishment na maglagay ng CCTV.
Gayunman nilinaw ni Novio na hindi kasali sa oobligahin na maglagay ng CCTV ang mga maliliit na establishment tulad ng mga karaniwang tindahan.
Ang mga oobligahin lang ay ang mga financial establishment tulad ng bangko, pawnshops, money lenders, money remittance services at money changers.
Obligado ring maglagay ng CCTV ang mga restaurant, fast- food chains, convenience stores, grocery stores, drug stores, shopping malls at shopping centers, supermarket, wet markets o palengke, ospital, laboratories, clinics at iba pang medical facilities.
“Dito po sa circular ang target ay hindi naman lahat, linawin ko lang po, yung CCTV is ang suggestion is requirement in the issuance of bussiness permit na kung saan po ito na sinasabi, establishments catering to a large number of customers,” ani Novio.
Mayroon ding recommended minimum specifications ng CCTV camera susog sa rekomendasyon ng Anti- Cybercrime Group ng PNP
Magkakaroon lang ng bias ang naturang kautusan kung mayroon nang naipasang ordinansa ang LGU.
At para hindi na mahirapan pa ang LGU ay may naka- attach na ring sample ordinance na maaari naman aniyang dagdagan ng probisyon ng mga local sanggunian.
