Mga raliyesta ipinagbunyi ang deklarasyon ng ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas

Nagbunyi ang mga raliyesta sa Gaza strip matapos ang anouncement ng ceasefire sa pagitan ng Israel-Hamas matapos ang 11-araw na kaguluhan.

Ang pahayag ay nagmula sa opisina ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Read More:  Nearly 89,000 evacuated in India as Cyclone Arnab approaches

Nakasaad sa naturang statement na inaprubahan ng dalawang panig ang inisyatibo ng Egypt na magkaroon ng tigil-putukan.

Agad naman itong kinumpirma ng Palestinian groups na Hamas at Islamic Jihad sa hiwalay na pahayag.

Read More:  Hong Kong leader apologizes over deadly Tai Po fire

Sa halos dalawang-linggong sagupaan umabot sa 232 Palestinians ang nasawi kasama ang 65 mga bata.

Habang sa panig ng Israel, labing-dalawa ang mga namatay sa giyera kabilang ang dalawang bata.