Binaril at napatay ng mga pulis sa Toronto ang isang lalaki may dalang baril at naglalakad malapit sa isang public school.
Ayon sa report rumesponde ang mga otoridad matapos makatanggap ng isang tawag na may taong nagpapaputok ng baril.
Ang naturang insidente ang nag-udyok sa limang kalapit na paaralan na ilagay sa ilalim ng precautionary lockdown.
Inilarawan naman ang suspek bilang isang lalaki sa kanyang late teens o early 20s.
Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Toronto Police sa naturang insidente.
Naganap ang insidente ilang araw matapos mapatay ng isang gunman sa Texas ang 19 na bata at dalawang guro sa isang elementary school.
