3 babaeng naglalaro ng tong-its, arestado sa Calauag, Quezon

Arestado ang tatlong kababaihan sa pinagsamang Anti-Illegal Gambling Operation ng Calauag PNP at 85th Infantry Battalion sa Barangay Sto Domingo ng nasabing bayan.

Ayon sa police report, nahuli sa akto ang mga suspek na naglalaro ng tong-its.

Read More:  7 drivers test positive in initial Bacolod drug screening

Nakumpiska naman sa nasabing lugar ang isang (1) baraha at Php 139 na bet money.

Read More:  Couple stabbed by son while sleeping; Another father hacked in Zamboanga City

Pansamantala silang ikinostodiya sa Calauag Police Station habang inihahanda ang kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-Illegal Gambling Laws. | via Brian Zagala, BNFM Lucena