CAMARINES NORTE – 4 na tao pa ang nadagdag sa mga nasawi dahil sa Coronavirus Disease (COVID-19) sa lalawigan ng Camarines Norte,
Base sa case bulletin na ipinalabas ng Department of Health (DOH)- Bicol, umaabot na sa 26 ang bilang ng mga pumanaw dahil sa sakit.
Nadagdagan naman ng 6 na pasyente ang nakarekober kung kaya’t umakyat na sa 303 ang kabuuang bilang nito
Naitala naman ang 9 na panibagong kaso sa mga bayan ng Daet na may 4, habang 2 ang naitala sa bayan ng Labo at may tig-i-isang kaso ang bayan ng Basud, Capalonga at Paracale.
Sa kasalukuyan mayroon ng 422 total cases ng COVID-19 sa Camarines norte kung saan 299 ang kalalakihan at 193 ay pawang mga kababaihan
Ang naturang bilang ay may 4.18% rate sa kabuuang bilang ng mga naapektuhan ng virus sa buong Rehiyong Bicol

