N. Korea nagdeklara ng national emergency matapos matukoy ang unang kaso ng COVID-19

Nadetect ng North Korea ang kanilang kauna-unahang kaso ng COVID-19, at agad na ikinasa ang tinawag nilang “major national emergency.”

Hindi naman malinaw kung ilan nang mga infections ang natukoy, pero sa ulat ng state-run news agency na KCNA, ang mga kaso ng Omicron variant ay nadiskubre sa capital Pyongyang.

Read More:  Sri Lanka rescues 40 Iranian sailors after medical emergencies at sea

Kaugnay nito, ipinag-utos ni North Korean leader Kim Jong Un ang lockdown measures sa lahat ng mga lungsod at nag-utos ng pamamahagi ng medical supplies.

Read More:  North Korea fires around 10 ballistic missiles toward eastern waters

Maliban dito, agad na pinangunahan ni Kim ang pulong sa powerful politburo ng bansa, na nagkasundong magpatupad ng “maximum” emergency anti-epidemic measures.

Positibo naman si Kim na malalampasan ng bansa ang hindi inaasahang Covid-19 outbreak.