Nakakuha ng medalya ang Kurash at beach handball teams ng Pilipinas sa 31st Southeast Asian Games.
Kaugnay nito, anim ang naidagdag na medalya ng kurash team sa medal haul ng bansa.
Sina Sydney Sy (women’s 87 kg+), Charmea Quelino (women’s 52 kg), at Helen Aclopen (women’s 48 kg) ay nanalo ng silver medals, habang sina Al Llamas (men’s -60 kg), Renzo Cazeñas (men’s 81 kg), at George Baclagan (men’s 90 kg) ay nakuha naman ang bronze medals.

Samantala, nakuha naman ng beach handball team, ang unang silver medal ng bansa sa biennial meet.
Noong Miyerkules, nanalo rin si Francine Piados ng pencak silat ng gold medal, habang ang kanyang teammates na sina Jefferson Loon, James Mayagma, at Rick Ortega ay nagtapos ng bronze medal para sa team.
Sina Olympian Cris Nievarez naman at CJ Jasmin, ay nanalo ng silver sa rowing lightweight men’s double sculls, habang sa women’s Rowing Team nina Joanie Delgaco, Amelyn Pagulayan, Josephine Qua, at Kristine Paraon ay nagtapos sa bronze sa women’s quadruple sculls event.
Bago ang opening ceremony, ang Pilipinas ay mayroon nang 11 medalya sa Hanoi Games.