Duque – Paparating na COVID-19 vaccines para sa A4 essential workers, kulang pa

Aminado si Health Secretary Francisco Duque III na ang paparating na supplies ng COVID-19 vaccines ay hindi sapat para sa A4 category o ang mga essential workers, sa gitna na malayo pang maabot ng bansa ang herd immunity.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Ayon kay Duque, nasa 12 million economic frontliners ang nangangailangan ng halos 24 million doses ng bakuna.

Paliwanag ng kalihim, tatapusin pa nila ang mga A2 group o senior citizens, kaya kukulangin pa umano ang bakuna.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Maliban dito, kailangan pa ng gobyerno ang 10 million doses para sa mga taong may comorbidities.

Mababatid na ngayong araw, nakatakdang dumating sa bansa ang 500,000 doses ng Sinovac vaccines, habang may 160,000 doses ng Moderna vaccine ang darating rin umano ngayong buwan. // MHEL PACIA