Bahagyang bumagal ang pagtaas ng populasyon sa Pilipinas sa 1.4 percent bawat taon mula noong 2015 hanggang 2020, pero nananatiling mas mataas sa Southeast Asia, maging sa economic powerhouses United States at China.
Ayon sa United Nations Population Fund (UNFPA), ang population growth rate na 1.4 percent, ay bahagyang mas mababa kumpara sa rate na iprenesenta ng annual State of World Population (SWOP) na 1.6 percent noong 2019.
Sa kabila nito, nanatiling mas mabilis ang annual population growth ng Pilipinas, kumpara sa India (1 percent), United States (0.6 percent), at China (0.5 percent).
Mababatid na ang Pilipinas ay may kabuoang populasyon na umaabot sa 111 million, kung saan karamihan sa mga ito ay nasa pagitan ng 15 hanggang 64 sa (67.4 percent); 29.5 percent ang mga may edad na 0 at 14 years old, 28.6 percent ang 10 at 24 years old, at 18.4 percent ang may edad na 10 at 19 years.
Kaugnay nito, tanging 5.7 percent ng total population sa bansa ay nasa 65-taong gulang pataas. // MHEL PACIA
