Mahigit P60K na halaga ng Marijuana, narekober sa ‘tulak’ na lolo

SORSOGON CITY – Arestado ang 66-anyos na lolo sa ikinasang buy-bust operation ng PDEA-Sorsogon sa Sta Ana Cpd, Gate 3 OLV Brgy Bibincahan, East District sa lungsod ng Sorsogon.

Ang naaresto ay kinilalang si Arnel Dela cruz Alano, binata, walang trabaho at naninirahan sa nasabing barangay.

Read More:  Woman killed in alleged jealousy-fueled stabbing; Partner arrested

Nakuha dito ang aabot sa 505 grams na pinatuyong dahon ng Marijuana na may kasamang fruiting tops at tinatayang may market value na P60, 600.00.

Nahaharap na ito ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprhensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read More:  2 dead, 2 injured after van crashes into two motorcycles in Cebu

Ang operasyon ay naging matagumpay dahil sa tip ng isang impormante sa mga awtoridad.

Bunsod nito, nagbigay naman ng pabuya ang Provl Officer ng PDEA na si Investigation Agent V (IAV) Adrian Fajardo sa nasabing tipster.