LEGAZPI – Nagsagawa ang City Government Unit ng Legazpi ng ‘Trabaho, Negosyo, Kabuhayan Job Fair 2022 sa isang mall sa lungsod bilang pagsisimula sa ilalim ng New Normal.
Ayon kay Diosdado Rañeses, Manager ng Public Employment Service Office (PESO) Legazpi, halos dalawang taon na hindi rin nakapagsagawa ng Job Fair dahil sa pandemya.
Marami ngayon ang naghahanap ng trabaho kung saan karamihan sa mga jobseekers ay mga natanggal sa trabaho at fresh graduates. Dahil dito sa nabanggit na aktibidad marami ngayon ang mabibigyan ng trabaho at mababawasan rin ang unemployment sa lungsod.
Ayon naman sa Department of Labor and Employment (DOLE Bicol) aabot umano sa 6,600 local at overseas job vacancies ang iniaalok ng 25 kumpanya sa aktibidad. Tinatayang nasa 3,025 ang bukas para sa local placement habang 3,622 naman ang para sa ibang bansa.
Sinabi ng DOLE Bicol, daan-daang mga naghahanap ng trabaho na sumasailalim sa paunang pagsusuri para sa mga bakanteng posisyon sa manufacturing, retail, serbisyo, konstruksiyon at marami pang iba.