Kinumpirma ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno sa isang Viber message na posibleng tumaas ang April 2022 inflation rate o presyo ng mga pangunahing produkto at serbisyo mula sa 4.2% hanggang 5%.
Ayon kay Diokno, kabilang umano dito ang higher electricity rates ng Meralco, presyo ng petrolyo, karne, isda at ibang pang pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino.

Sinabi din niya na patuloy na imo-monitor ng BSP ang emerging price developments at magiging epekto nito sa ekonomiya ng bansa.
Samantala, lumabas ang inflation forecast ng naturang ahensya ilang araw matapos i-release ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang inflation figures noong ika-5 ng Mayo ngayong taon.
|| ARGIE ERGINA