Local absentee voting para Eleksyon 2022, magsisimula na

Magsisimula na ang local absentee voting (LAV) para sa ilang mga manggagawang naka-duty sa darating na May 9 elections kabilang ang military, police, government at media personnels.

Mag-uumpisa ito sa ika-27 hanggang ika-29 ng Abril kung saan nasa 84,357 ang mga botanteng allowed para sa LAV ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Read More:  Padilla urges supporters to stay calm ahead of November 6 DOJ hearing

Sinabi ng Comelec na sa 93,698 ng mga naturang manggagawa ang nag-apply ng LAV para sa 2022 elections kung saan 9,341 ang nadis-approved dahil deactivated na o hindi sila rehistrado.

Read More:  MMDA to implement road closures, traffic rerouting near PICC ahead of ASEAN Summit

Samantala, manually voting ang gagawin ng mga local absentee voters para sa national positions kabilang ang presidente, bise-presidente, mga senador at party-list. || ARGIE ERGINA