Comelec: Walang sentimo na naipalabas sa private partner sa nakanselang poll debate

Binigyang diin ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rey Bulay na hindi naglabas ang poll body ng kahit isang sentimo para sa venue ng presidential at vice presidential debates na una nang nakansela.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Kaugnay nito, ipinapaubaya ng Comelec sa kanilang en banc kung maghahain sila ng kaso laban sa Impact Hub Manila o hindi.

Sinabi rin ni Bulay na sa kanilang memorandum of agreement sa Impact Hub, nakasaad na ang kanilang mga services ay libre.

Read More:  NBI witness says VP Sara Duterte skipped threat probe, sent lawyer instead

Ang debates na dapat sana’y mangyayari noong April 23 at 24, ay naipagpaliban sa April 30 at May 1, pero napagdesisyunan ng poll body na magsagawa nalang ng panel interview para sa presidential at vice presidential candidates. //MHEL PACIA-TRINIDAD