Jake Cuenca, kinumpirmang break na sila ni Kylie Verzosa

Opisyal nang kinumpirma ni Jake Cuenca na hiwalay na nga sila ng nobyang beauty queen na si Kylie Verzosa, matapos ang tatlong taong relasyon.

Sa pamamagitan ng Instagram post, binasag na nga ni Cuenca ang kanyang katahimikan hinggil sa mga espekulasyon kaugnay sa kanilang relasyon, matapos ang sunod-sunod na cryptic posts mula sa kanila.

Read More:  Andrea Brillantes opens up about alleged friendship fallout with Bea Borres

Ayon sa aktor, naghiwalay sila nang walang sama ng loob o galit, upang mababalikan pa umano nila ang mga magagandang alaala na kanilang nabuo nung sila pa ay magkasama.

Read More:  Pinoy content creators recognized at Inaugural TikTok Awards

Kaugnay nito, tiniyak rin ni Jake ang kanyang suporta para kay Verzosa at nananatiling mapalad na natapos nila kung anuman ang kanilang nasimulan.

Dagdag ni Cuenca, lagi parin siyang magbibigay ng pagmamahal at positivity sa dating partner. //MHEL PACIA-TRINIDAD