PNP, gagamitin lahat ng pwersa para matiyak na secured ang May 9 poll

Inihayag ni PNP chief Dionardo Carlos na idedeploy nila ang kanilang administrative staff, maging ang nasa 16,000 police na nasa ilalim pa ng training, para sa May 9 polls upang magsilbi bilang karagdagang personnel sa ground.

Read More:  NBI Chief Matibag says arrest of Sen. Bato Dela Rosa could be near

Kaugnay nito, sinabi ni Carlos na mas marami pang police personnel ang ipapakalat sa ilang mga lugar sa Bondoc Peninsula sa southern Quezon province at sa Pangasinan sa northern Luzon, para matiyak ang seguridad sa halalan.

Read More:  Padilla urges supporters to stay calm ahead of November 6 DOJ hearing

Samantala, tiniyak ng PNP chief sa publiko na handa na ang kanilang pwersa para sa May 9 polls.

Sa ngayon, magmo-monitor, magsu-supervise, at magbibigay nalang umano sila ng mga directions sa line units hinggil sa mga specific na nangyayari, hanggang sa araw mismo ng halalan. //MHEL PACIA-TRINIDAD