Binigyang diin ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia na gagawin ng poll ang maximum tolerance laban sa mga gumagawa ng akusasyon hinggil sa pagsasagawa ng 2022 elections, at paghahain ng mga kaso laban sa kanila ang magiging last resort.
Ang pahayag ni Garcia ay kasunod ng sinabi ng ilang Comelec officials, partikular na ni poll Commissioner Rey Bulay, na hihilingin ng Comelec ang tulong ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para arestuhin ang mga taong nagdudulot ng disorder sa halalan.

Samantala, bagama’t ginagalang nito ang pananaw ni Bulay, iginiit ni Garcia na welcome ang kahit anung batikos laban sa Comelec, basta ito ay hindi fake news.
Matatandaan na nagtatag ang Comelec ng Task Force Kontra Fake News para labanan ang disinformation at i-counter ang anumang tangka para sirain ang kredibilidad ng electoral process. //MHEL PACIA-TRINIDAD