UAAP: Ateneo, nagtala ng historic win sa laban vs UST

Sa kabila ng kanilang immaculate record at mahabang winning streak, hinarap ng Ateneo de Manila University ang ilang tight games at inconsistent stretches sa UAAP Season 84.

Matapos kasi ang 76-63 rout sa University of the East (UE), sinabi ni Ateneo coach Tab Baldwin na malaki ang na-improve ng Blue Eagles.

Matapos ang isang laro, nagbigay ang Blue Eagles sa kung anu talaga ang gustong makita ng kanilang coach.

Sa laban kontra sa University of Santo Tomas (UST), pinag-isa ng Ateneo ang kanilang most complete game ng season, at nagresulta ito sa 101-51 triumph.

Ito umano ay historic result para sa Blue Eagles, kung saan ang kanilang 50-point margin of victory ay ang pinakamalaki sa UAAP simula noong 2003.

Nanatili sila sa perfect na 10-0 sa season, at nakuha ang spot para sa Final 4. //MHEL PACIA-TRINIDAD