COMELEC-Daraga sa Albay, wala pang naitatalang election related offenses sakanilang lugar

BNFM BICOL— Inihayag ni Rodolfo Ramirez – Election Officer ng COMELEC-Daraga sa lalawigan ng Albay na nananatiling matahimik ang election period sakanilang bayan, ilang linggo bago ang araw ng halalan .

Ayon sa opisyal, hanggang sa kasalukuyan umano ay wala pang naitatalang election related offenses sakanilang lugar sakabila ng pagkakabilang ng Daraga sa mga bayan at lungsod sa Albay  nasa ilalim ng ‘red category.’

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Kaugnay nito, siniguro naman ng COMELEC na nakahanda at nakaalerto ang kanilang tanggapan at maging ang mga otoridad, sakaling may maganap na mga katulad na insidente.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Dagdag pa nito, nagpapatuloy din aniya ang kanilang pakikipag ugnayan sa DepEd para naman sa mga gagamiting voting precint sa iba’t-ibang bahagi ng bayan.###