Mahigit 532 na indibidwal ang kumpirmadong nabakunahan sa ginawang ‘bakunahan sa simaban’ ng Diocese of Legazpi sa lalawigan ng Albay

LEGAZPI – Mahigit 532 indibidwal na ang kumpirmadong nabakunahan sa ginawang ‘Bakunahan sa Simbahan’ ng Diocese of Legazpi sa lalawigan ng Albay.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Isabel Riñon ng Bicol Regional Training and Teaching Hospital o BRTTH, sa ginawang ‘Bakunahan sa Simbahan’ sa St. Gregory the Great Cathedral sa lungsod, nabatid nito na umabot sa 65 na ang nagpabooster shots  sa ginawang ‘vaccination day’

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Matatandaan, noong Nobyembre noong nakaraang taon, nagsagawa rin ang simbahan ng aktibidad at umabot na ngayon sa kabuuang 532 indibidwal ang nagpabakuna kontra  sa COVID-19.

Dagdag pa rito, bumisita naman si Department of Health Bicol CHD Regional Director Dr. Ernie V. Vera at Local Health Support Division Chief Dr. Rosa Maria Rempillo sa vaccination site ng Diocese of Legazpi at BRTTH sa St. Gregory Great Cathedral.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu


Samantala, nanawagan parin ang DOH Bicol sa publiko na makibahagi parin sa nasabing programa kung hindi pa nababakunahan kontra sa COVID-19, upang maiwasan ang posibleng pagdagdag ng mga kaso ng sakit.