Sinimulan ng Department of Agriculture Region 3 ang tatlong araw na Agri-Trade Fair sa ilalim ng programang Kadiwa ni Ani at Kita.
Ito ay isinasagawa sa Marque Mall sa Angeles City, Pampanga na tatagal hanggang bukas, April 22.
Ang aktibidad ay may kaugnayan sa pagdiriwang Filipino Food Month ngayong buwan ng Abril.
Ayon sa DA, mayroong dalawamput dalawang mga negosyante ang nakikiisa sa Kadiwa ni Ani at Kita.
Kasabay rin nito ang kompetisyon para sa Most Innovative Food Product sa Central Luzon kung saan nanguna ang lalawigan ng Zambales dahil sa produkto nitong Trail Mix, sinundan ng Pampanga at ikatlo ang Bataan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: DA Central Luzon
