Nasa P40B halaga ng COVID vaxx, maaring masayang – Concepcion

Nagbabala si presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na may P40 billion na halaga ng COVID-19 vaccine doses ang maaring ma-expire at masasayang, dahil sa mababang immunization turnout.

Pero ayon kay Concepcion, ang naturang mga bakuna ay donasyon mula sa COVAX.

Read More:  SC seeks comment on VP Sara Duterte impeachment vote rule

Sa gitna nito, mas kakaunti na ang magiging available na bakuna, sakaling hindi na mapakinabangan ang mga mag-eexpire.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Una nang sinabi ng opisyal na may 27 million vaccines na binili ng national government at ng private sector na nakatakdang magpaso sa Hulyo.

Ang halaga naman ng pera na maaring masayang mula dito ay papalo sa P13 billion. //MHEL PACIA-TRINIDAD