Surrender or die ultimatum ng Russia sa Ukraine, bigo parin

Muling nagpaso ang ultimatum ng Russia para sa mga tropa ng Ukraine sa Mariupol na sumuko o mamatay nalang sa laban, pero hindi parin ito napagtagumpayan.

Pero sa gitna nito, naniniwala ang commander ng unit na naka-kuta sa besieged city na ang kanyang pwersa ay makaka-survive pa ng ilang aaraw.

Read More:  Spain transport minister resigns following deadly train collision

Una nang sinabi ng Ukraine na nahold nila ang assaultng libo-libong Russian troops na nagtatangkalang maka-abanse sa tinawag nilang Battle of the Donbas, isang bagong kampanya para maagawa ang dalawang eastern provinces na inaangkin ng Moscow para sa kanilang separatists.

Read More:  9 dead after business jet crashes into residential area in Florida

Sa isang video naman, humingi ng international help ang commander ng Ukraine’s 36th Marine Brigade, ang isa sa huling units na pinaniniwalaang nananatili pa sa Mariupol, para makatakas sa nakubkub na lungsod. //MHEL PACIA-TRINIDAD