Fuel subsidy para sa mga tsuper, hindi pa naitutuloy ang pamamahagi

Hindi pa naitutuloy ang pamamahagi ng fuel subsidy para sa mga drivers ng UV express, taxi at tricycle maging ang mga delivery rider.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Executive Director Tina Cassion, hindi pirmado ang natanggap nilang kopya ng desisyon ng Commission on Elections (Comelec).

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Sinabi ni Cassion na kinakailangan umano ang sapat na legal basis bago mai-release ang pondo mula sa Landbank at para walang maging problema sa Commission on Audit (COA).

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Samantala, mahigit 111,000 pa lang ang nabibigyan ng ayuda mula sa 377,000 na mga nakalistang tsuper para sa programa. || ARGIE ERGINA