700 fish cage operators apektado ng fish kill sa South Cotabato; P 6 million naitalang danyos

KORONADAL CITY- UMABOT na sa 700 na mga fish cages na pagmamay-ari ng 40 mga fish cage operators ang apektado ng ‘kamahong’ o fish kill sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato na nangyari noong nakaraang linggo.

Ayon kay Lake Warden Rudy Muyco na batay sa kanilang inisyal na datos, 50 tons o 50,000 kilos ng tilapia ang namatay na may kabuuang halaga na P 6 million.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Kabilang sa mga apektado ng kamahong ang Barangay Poblacion, Takunel at Bacdulong.

Ilan sa mga operators ay nagsagawa na ng emergency harvest upang maisalba pa ang natitirang tilapia na pwedeng maibenta.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Ngunit dahil sa dami ng supply, nasa P 90 per kilo na lamang ang presyo nito mula sa dating P 120 hanggang P 140 bawat kilo.

Inihayag ni Muyco na ang kamahong ay bunsod ng pabago-bagong takbo ng panahon at pagbaba ng dissolve oxygen sa lawa.