2 rebelde, sumuko sa Tampakan, SoCot

KORONADAL CITY — DALAWANG rebelde o mga miyembro ng Communist Terrorist Group o CTG ang sumuko sa mga otoridad sa Tampakan, South Cotabato.

Kinilala ang mga ito ni Regional Mobile Force Batallion 12 Commander Pol. Col. Jomar Alexis Yap ang mga sumuko na sina “alyas Ka Romy” 40 anyos, residente ng Matanao, Davao Del Sur at “alyas Ka Gani” 41 anyos residente ng Columbio, Sultan Kudarat.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Bitbit ng mga ito sa kanilang pagsuko ang mga homemade rifle, granada, at Homemade Uzi Sub Machine Gun na pawang may mga bala.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Ipinasiguro naman ng mga opisyal na makakatanggap ng tulong mula sa gobyerno ang mga sumukong rebelde.