OCPO pinaalalahanan ang mga magbabakasyon ngayong Semana Santa

Pinaalalahanan ng Olongapo City Police Office ang mga magbabakasyon ngayong Semana Santa.

Ito ay para maiwasang mabiktima ng mga salisi o kaya magnanakaw dahil walang tao ang bahay.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Paalala ni OCPO Operations and Management Unit Chief Pmaj. Daniel Pascua, iwasang magpost sa social media na umalis na ng bahay o kaya kung nasaan.

Hangga’t maaari rin ay ihabilin ang bahay sa kamag-anak o kapitbahay para mayroong nagbabantay.

Read More:  Indigenous farmer saves Philippine Eagle from 30 monkeys in Bukidnon

Ang mga byahero naman ay pinapaalalahanang tiyakin na nasa kondisyon ang mga sasakyan at alamin ang mga hotlines ng PNP para may agad na matatawagan sakaling may emergency.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text