BICOL – NAKAPAGTALA lamang ng isang bagong kaso ng covid-19 ang Bicol region nitong nakatalikod na Abril a-9 at 10 ng taong kasalukuyan.
Ayon sa Department of Health o DOH-Bicol, ang bagong kaso ng sakit ay naitala sa lungsod ng Naga sa Camarines Sur.
Wala namang bagong nakarekober kung kaya’t nananatili sa 56,040 ang total recoveries sa rehiyon.
Kaugnay nito, nananawagan ang ahensya sa mga ciudad at probinsya na mag-update ng kanilang database at magpadala na reports ukol sa mga naitatalang recoveries sa laoong madaling panahon.
Samantala, nakapagtala rin ng isang bagong pagkasawi sa sakit na nagmula rin sa Naga City dahilan para umakyat sa 2,420 ang kabuuang covid-19 fatalities sa Kabikulan.
Mababatid na una nang nag abiso ang DOH-Bicol na wala nang daily report bagkus Weekly COVID-19 Case Bulletin an kanilang ilalabas epektibo simula ngayong araw, Abril 11.