Second dose ng astrazeneca ituturok makalipas ang 10-12weeks

OLONGAPO- Inanunsyo ng Olongapo City Health Office na makakatanggap ng second dose ng astrazeneca vaccine ang mga nakatanggap ng unang dose pagkalipas pa ng sampo hanggang labindalawang linggo matapos ang unang turok.

Dahil dito, nag-abiso ang CHO sa mga nabigyan na ng schedule para sa second dose na maghintay ng tawag ng opisina dahil nagkaroon ng pagbabago sa schedule nito.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Ayon kay Dra. Ana Figuerrez, Immunization Coordinator ng CHO-Olongapo, dati kasi ay hanggang walong linggo lamang pero ngayon ay binago ito.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Samantala, ang mga nabakunahan naman ng Sinovac ay matuturukan ng second dose ngayong May 20 na gaganapin pa rin sa SMX Convention Center.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'Pigsa Singaw Bungang Araw Mga sakit na maaring makuha sa Tag-init! Ubo at Sipon Diarrhea Sore Eyes YummyVit Batang lamang!'