Pagkuha ng online CRS appointment slip, libre ayon sa PSA 12

KORONADAL CITY- LIBRE ang pagkuha ng Civil Registry System o CRS Appointment Slip.
Ito ang nilinaw ng Philippine Statistics Authority o PSA Region 12 kaugnay sa ipinatutupad na appointment system sa General Santos City Serbilis Outlet.

Sa advisory ng PSA, walang bayad ang pagkuha ng appointment o slot upang maka-request ng civil registration documents at certifications sa lahat ng mga CRS outlet sa bansa.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Kailangan lamang ng mga magpapa-appointment na pumunta sa website na appointment.psa.gov.ph at i-click ang Civil Registration Service (CRS) Appointment System.

Napag-alaman na epektibo noong February 15, hindi na tumatanggap ng walk-in clients ang mga PSA- CRS Outlet.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ang mga gustong mag-proseso at kumuha ng birth, marriage at death certificates, at Certificate of No Marriage (CENOMAR) ay kailangan munang magpa-appointment online.

Layunin nito na ma-regulate ang bilang ng mga tao sa mga CRS outlets lalo na sa gitna ng COVID 19 pandemic.