KORONADAL CITY- UPANG mas mapaunlad pa ang kalidad ng mga produkto nito na ibinebenta sa publiko, isinailalim sa training kaugnay sa Food Safety Management, Halal Awareness at Packaging and Labelling ng Department of Science and Technology o DOST Region 12 ang mga kawani ng Brigada Healthline Corporation o BHC.
Kabilang sa limang araw na training ang Basic Food Hygiene and Handling, current Good Manufacturing Practices (cGMP) , Hazard Analysis and Critical Control Point (HACCP) at Sanitation Standard Operating Procedure in Food Industry.
Layon nito na masiguro na matugunan ng BHC ang mga pangangailangan at expectations ng mga customers sa mga produkto at serbisyo nito at ang pag-manufacture na sumusunod sa mga itinakdang regulasyon at health-related requirements.
Pagkatapos ng training, tututukan naman ng BHC ang compliance sa HACCP at Halal certification, na hakbang tungo sa pinamakamaganda at dekalidad na quality food product manufacturing and services.
Ang Brigada Healthline Corporation ay isa sa mga pinakamalaking food and drug company sa bansa na nasa ilalim ng Brigada Group of Companies.
