Mura at maraming imported na bigas, dahilan ng pagbagsak ng presyo ng palay – DA

Iginiit ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Noel Reyes na mura at maraming imported na bigas sa merkado ang dahilan kung bakit patuloy ang pagbagsak ng presyo ng palay sa maraming lugar sa bansa.

Aniya, ibinibenta ng mga magsasaka ang kanilang mga bagong-aning palay sa halagang P19 kada kilo kung saan marami sa kanila ang nalulugi.

Read More:  Marcos signs five-year barangay, SK term law, moving 2026 elections to 2028

Panawagan ni Reyes na sundan ang ginagawang solusyon ng ibang mga lokal na pamahalaan kung saan binibili nila ang mga palay mula sa ating mga magsasaka para maging tulong naman sa kanilang nasasakupan.

Read More:  CBCP calls for effective anti-political dynasty law

Samantala, hinihikayat pa din ang lahat ng mga magsasaka na magpa-rehistro online upang makasali sa ayudang ipinapamahagi ng ating pamahalaan. (ARGIE ERGINA)