So.Cot nakapagtala ng 121 dengue cases

KORONADAL CITY- NAKAPAGTALA na ng 121 na kaso ng dengue ang lalawigan ng South Cotabato mula noong Enero 1 hanggang Marso 28 ngayong taon.

Ayon kay mosquito-borne disease provincial coordinator Jose Barroquillo na ito ay mas mababa ng 72% kumpara 432 cases sa katulad na panahon noong 2021.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Naitala sa Koronadal City ang pinakamataas na dengue cases na umabot sa 28; Polomolok 23; Banga 16; T’Boli at Surallah na may tig 11; Tupi 10; Tantangan 8; Tampakan 6; Lake Sebu 5; Norala 2; at Sto.Niño na may isang kaso.

Sa naturang bilang, isa ang naitalang namatay sa bayan ng Tampakan.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Samantala, isang barangay lamang sa ngayon ang mayroong clustering ng dengue cases.

Dahil dito, inihayag ni Baroquillo na walang dengue outbreak sa South Cotabato at walang dapat ikabahala ang mga mamamayan ngunit kailangan pa ring ipagpatuloy ang 4S strategy.