Palasyo, target na maipatupad ang ‘new normal’, 100% vax hanggang June 30

Target ng gobyerno na mabakunahan laban sa COVID-19 ang lahat ng target population, sa harap ng pagsisikap na maisailalim ang bansa sa new normal sa gitna ng pandemya.

Ang pahayag ni deputy spokesman undersecretary Kristian Ablan ay sa gitna na inaasahan ng Department of Health na bababa ang kaso ng COVID-19 sa 70 sa katapusan ng Abril, kung masusunod ang minimum health standards.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Ayon kay Ablan, gagawin nila ang lahat sa ilalim ng kanilang kapangyarihan para makamit ang 100% vaccination at makabalik sa new normal, bago bumaba sa pwesto si Pangulong Duterte sa June 30.

Read More:  Marcoleta transferred to Quezon City Jail after hospital clearance

Mababatid na mula March 24, sinabi ng independent monitoring group OCTA Research na ang Pilipinas ay nananatili sa “very low risk” category para sa COVID-19.