DOH, nagtala ng 356 na mga bagong kaso ng COVID-19

Nagtala ang Department of Health (DOH) ng 356 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para sumipa ang kabuoang bilang ng active infections sa bansa sa 38,320.

Batay sa datos ng DOH, ang kabuoang caseload ay nasa 3,678,598, na kinabibilangan ng 3,580,980 recoveries at 59,298 deaths.

Nananatili naman ang NCR sa mga rehiyon na may mataas na bilang ng kaso sa nakalipas na dalawang linggo sa 1,659, sinundan ng Region 4-A na mya 636 infections at Region 6 sa 473.

Ayon sa DOH, nasa 22,434 indibidwal ang tenest habang 318 na mga testing laboratories ang nagsumite ng datos mula March 31.

Una nito, inanunsyo ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nasa 65.9 million Filipinos na ang fully vaccinated laban sa COVID-19 o 73% ng target population.